436 - Tuloy Kong Sinasalunga

Tuloy kong sinasalunga
Ang daan kong papaakyat,
Hangga't ako'y mayrong kaya'y
Sasalungahin ang landas.

REFRAIN

Panginoon, angatin Mo
Ang paa kong naghihirap,
Tulungan Mo nga po ako
Sa pagsalunga sa landas.

Ang puso ko'y walang hilig
Na lumagi sa palanas,
Ang dalangin ko at nais
Masalunga ko ang landas.

REFRAIN

Panginoon, angatin Mo
Ang paa kong naghihirap,
Tulungan Mo nga po ako
Sa pagsalunga sa landas.

Pipilitin kong masapit
Ang langit na sakdal dilag,
Kaya naman nagtitiis
Na salungahin ang landas.

REFRAIN

Panginoon, angatin Mo
Ang paa kong naghihirap,
Tulungan Mo nga po ako
Sa pagsalunga sa landas.

Nais kong ako'y mabuhay
Na taglay ko ang tagumpay;
Nang sa aking pagsalunga'y
Siya ang aking patnubay.

REFRAIN

Panginoon, angatin Mo
Ang paa kong naghihirap,
Tulungan Mo nga po ako
Sa pagsalunga sa landas.

0:00 0:00